RSCUAA 2024 Women's Basketball: NISU Blue Marlins Swabeng Nadepensahan ang Gintong Pwesto, 90-83
Swabeng nadepensahan ng NISU Blue Marlins (Ajuy Angels) ang gintong pwesto matapos ang mainit na bakbakan sa pagitan ng University of Antique (UA) Red Ants sa Women's Basketball Championship Game, 90-83, RSCUAA 2024 Sports and Conference, Tamasac Arena, Barotac Nuevo, Iloilo, Disyembre 20.
Mainit at may matanglawin para sa gintong medalya ang dalawang koponan pag-umpisa pa lamang ng laro, back to back 2 point shots agad mula kay Jhai Mae Sobrevega, Team Captain ng NISU ang bumuhay sa unang kwarter, habang patuloy din ang depensa ng UA at pagbawi para makapuntos, sa huling dalawang minutong natitira, patuloy na umani ng puntos ang mga manlalaro, 26-19, pabor sa NISU pagkatapos ng kwarter.
Agarang pagbawi mula sa UA ang umiral sa ikalawang kwarter, kaliwa't kanang three point shots, siguradong puntos at mahigpit na pagbibigay halaga sa bawat pagkuha sa bola ang namayani. Sa kabila nito, patuloy na humabol ang NISU hanggang natapos ang unang kalahati ng laro, ngunit pabor naman sa UA, 48-50.
Pagsapit ng ikatlong kwarter, patuloy ang momentum ng UA at nagtala ng kalamangan sa NISU. Sa 7:56 minutong natitira, bumuhos ng puntos ang NISU at kaliwa't kanang steal ang nangibabaw, sapat upang wakasan ang namuong momentum ng kabilang koponan, swak sa ring ang straight 8 points para sa NISU, dahilan upang pumirmi ang UA, tinapos ang kwarter 68-66, pabor sa NISU.
Patuloy na nagpakitang gilas ang koponan ng NISU, sunod sunod na pagbulusok ng bola mula kay Sobrevega, 9 na puntos inilista sa unang dalawang minutong lumipas pagsimula ng huling kwarter, 77-66. Bagaman foul trouble na ang kapitana, patuloy na umarangkada at rumutsada ang kasamahan, walang mintis na pagtira ang ibinida, sapat upang wakasan ang hangarin ng UA na makuha ang ginto.
Sa huling 25 segundong natitira, sinubukan pang humabol ng UA gamit ang three point shot, 87-83, ngunit patuloy ang mahigpit na depensa at opensa ng NISU, tinapos ang laban sa iskor na 90-83.
"Amazing, back-to-back champion. Makita ta gid sa iban nga teams nga dalagko sila kag preparado compared last year. But we instill in the minds of our athletes that until the last minute of the game, never give up. Always listen to your coaches, no matter what." ayon kay coach Larry Corillo Jr.
Ayon naman sa panayam kay Sobrevega, malaki ang pasasalamat niya sa kanyang koponan sa patuloy na pokus at teamwork sa loob ng court, kaakibat nito ay ang muling pagtungtong niya sa NSCUAA sa huling taon niyang maglalaro para sa NISU.
Ang koponan ay binubuo nina Jhai Mae Sobrevega ang Team Captain, kasama sina Andrea Ilustre, Ashley Benban, at Raven Kaye Debigay bilang shooting guard, point guard naman kabilang sina Kathy Mae Arevalo at Baby Jane Arigo, para naman sa Center, sina Princess Althea Prado, Daniela Castemarin, at Pauleen Joy Balonsit, sa small forward, ang mga manlalaro ay sina Rosemae Ann Plaviano, Marianne Joy Dayal, at Reylyn Gamboa, sa posisyon ng power forward, binubuo naman nina Razel June Alcala, Camille Molina, at Neña Alhia Bonifacio, Coach naman si Larry Corillo Jr. habang Asst. Coach si Portia St. Ana, at Trainer naman si Jahleil Cala-or.
Sa ngayon, ang koponan magpapahinga muna bago muling sumabak sa matinding training para sa National State Colleges and Universities Athletic Association (NSCUAA) para irepresenta ang Western Visayas.